Dental Care

Dental Health: Bakit Hindi Dapat Binubunot Agad ang Ngipin?

Published on December 1, 2025 by Admin

Advertisement

Marami sa atin ang pumupunta lang sa dentista kapag sumasakit na ang ngipin at gusto na itong ipabunot. Pero alam niyo ba na ang pagbubunot dapat ang huling opsyon?
Kahalagahan ng Ngipin
Ang bawat ngipin ay may function – pang-kagat, pang-nguya, at pang-suporta sa hugis ng mukha. Kapag nabunutan, pwedeng gumalaw ang ibang ngipin, mahirapan kumain, at bumaba ang self-confidence.
Paano Aalagaan ang Ngipin?
Brush: Mag-sipilyo dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw. Siguraduhing abot pati ang likurang ngipin.
Floss: Ang sipilyo ay hindi nakakaabot sa singit-singit ng ngipin. Gumamit ng dental floss para tanggalin ang tinga.
Bawas Matamis: Ang asukal ang pagkain ng bacteria na sumisira sa ngipin. Iwasan ang laging pagkain ng candy at softdrinks.
Regular Visit: Bumisita sa PPH Dental Clinic kada 6 na buwan para sa cleaning (prophylaxis) at checkup.
Kailan Pwedeng Bunutan?
Binubunot lang ang ngipin kapag:
Sobrang sira na at hindi na kayang pastahan (fillings).
May malalang impeksyon na pwedeng kumalat.
Sagabal sa pagtubo ng ibang ngipin (tulad ng wisdom tooth).
Ingatan ang ngiti. Magpa-schedule na sa ating Dental Clinic.

Advertisement