Diabetes sa Pilipinas: Sintomas, Komplikasyon, at Paano Ito Maiiwasan
Published on December 1, 2025 by Admin
Advertisement
Ano ang Diabetes?
Ang Diabetes ay isang kondisyon kung saan ang ating katawan ay nahihirapang kontrolin ang level ng asukal (glucose) sa dugo. Ito ay dahil sa kakulangan ng insulin o hindi na tinatanggap ng katawan ang insulin nang maayos.
Mga Sintomas na Dapat Bantayan
Huwag balewalain kung nararamdaman mo ang mga sumusunod:
Madalas na pag-ihi (Polyuria): Lalo na sa gabi, pabalik-balik ka sa CR.
Labis na uhaw (Polydipsia): Pakiramdam mo ay laging tuyo ang lalamunan kahit kakatapos lang uminom.
Labis na gutom (Polyphagia): Kahit kumain ka na, parang gutom ka pa rin.
Mabagal na paghilom ng sugat: Ang simpleng galos ay inaabot ng ilang linggo bago gumaling.
Panlalabo ng paningin: Epekto ito ng mataas na sugar sa mga ugat sa mata.
Ang mga Delikadong Komplikasyon
Kapag hindi naagapan, ang Diabetes ay pwedeng mauwi sa:
Kidney Failure: Maraming diabetic ang nauuwi sa dialysis dahil nasisira ang bato.
Diabetic Foot: Kawalan ng pakiramdam sa paa na pwedeng mauwi sa impeksyon at pagkaputol ng paa.
Heart Attack at Stroke: Pinahihina ng asukal ang mga ugat sa puso at utak.
Paano Ito Maiiwasan?
Ang PPH-OPD ay nagpapaalala na ang lifestyle change ang pinakamabisang gamot:
Bawasan ang kanin at matatamis.
Mag-ehersisyo ng 30 minuto araw-araw.
Panatilihin ang tamang timbang.
Kung may reseta na, inumin ang maintenance medicine sa tamang oras.
Kung ikaw ay may lahi ng Diabetes o nararamdaman ang mga sintomas sa itaas, magpa-schedule na ng checkup sa aming Internal Medicine department para sa fasting blood sugar test.
Advertisement