Infectious Diseases

Pulmonya (Pneumonia): Lagnat at Ubo na Hindi Dapat Balewalain

Published on December 1, 2025 by Admin

Advertisement

Ang Pneumonia o pulmonya ay impeksyon sa baga na pwedeng maging delikado, lalo na sa mga bata (0-5 years old) at sa mga matatanda (Senior Citizens). Sa katunayan, ito ay isa sa mga top causes ng pagkamatay sa bansa.
Ano ang Sanhi Nito?
Hindi ito nakukuha sa "natuyuan ng pawis" sa likod, bagamat ang pagpapawis ay pwedeng magpababa ng resistensya. Ang pneumonia ay galing sa bacteria, virus, o fungi na nalalanghap o naipapasa ng ibang tao.
Sintomas ng Pulmonya
Mataas na lagnat at panginginig.
Ubo na may plema (minsan ay kulay dilaw, berde, o may dugo).
Hirap sa paghinga o mabilis na paghinga.
Pananakit ng dibdib kapag umuubo o humihinga.
Paano Ito Maiiwasan?
Bakuna: Mayroon tayong libreng bakuna sa health center laban sa Pneumonia (PCV) para sa mga sanggol at Flu vaccine para sa mga seniors.
Palakasin ang Resistensya: Kumain ng masustansya at matulog nang sapat.
Iwas Usok: Ang usok ng sigarilyo at polusyon ay nagpapahina sa baga.
Magtakip ng Bibig: Ugaliing magtakip kapag umuubo para hindi makahawa.
Kung ang ubo at lagnat ay hindi gumagaling ng ilang araw, pumunta agad sa PPH Emergency Room o OPD para ma-Xray at mabigyan ng gamot.

Advertisement