Family Planning: Planadong Pamilya, Panalo ang Kinabukasan
Published on December 1, 2025 by Admin
Advertisement
Benepisyo ng Family Planning
Para kay Nanay: Naiiwasan ang komplikasyon ng sunod-sunod na pagbubuntis. Nakakabalik din siya sa trabaho o gawaing bahay nang mas malakas.
Para kay Baby: Mas malusog ang bata dahil nakukuha niya ang buong atensyon at gatas ng ina nang walang kaagaw agad.
Para sa Tatay: Mas magaan ang responsibilidad sa pinansyal dahil napaghahandaan ang pagdating ng susunod na anak.
Mga Pamamaraan
Maraming libreng methods sa PPH at health centers:
Pills: Iniinom araw-araw.
Injectables: Turok kada 3 buwan.
Implant: Maliit na rod sa braso, tumatagal ng 3 taon.
IUD: Inilalagay sa matris, tumatagal ng 10-12 taon.
Condom: Proteksyon din sa mga sakit (STD).
BTL at Vasectomy: Permanenteng paraan kung tapos na ang pamilya.
Huwag maniwala sa mga sabi-sabi. Kumonsulta sa ating Family Planning doctors para malaman kung anong method ang hiyang sa iyo.
Advertisement