EMERGENCY HEALTH

Rabies: 100% Nakamatay, Pero 100% Maiiwasan

Published on December 3, 2025 by Admin

Advertisement

Sa Pilipinas, daan-daan pa rin ang namamatay taon-taon dahil sa Rabies. Ang nakakalungkot, marami dito ay mga bata. Ang Rabies ay isang virus na umaatake sa utak. Ang nakakatakot dito: Once magkaroon ka ng sintomas, 100% itong nakamatay. Walang gamot na makakapagpagaling sayo kapag nagsimula ka nang matakot sa tubig o hangin.
Maling Paniniwala (Tandok at Bawang):
Huwag na huwag magpapatawas, magpapatandok, o maglalagay ng bawang sa sugat. Ang Tandok (paghigop ng bato o sungay sa sugat) ay hindi nakakatanggal ng virus at pwedeng magdulot pa ng impeksyon (tetanus).
Ang Tamang First Aid (Ang Dapat Gawin):
Kapag nakagat o nakalmot ng aso o pusa (kahit alaga pa 'yan o hindi):
1. Hugas: Hugasan AGAD ang sugat gamit ang sabon at running water nang tuloy-tuloy sa loob ng 10-15 minuto. Ito ang pinakamahalagang step para mabawasan ang virus.
2. Disinfect: Lagyan ng alcohol o betadine.
3. Bakuna: Pumunta agad sa pinakamalapit na Animal Bite Center. Kailangan mo ng Anti-Rabies Vaccine at minsan ay Tetanus Toxoid.
Observe the Animal:
Kung aso mo ang nakakagat, itali ito at obserbahan ng 14 days. Kapag namatay, naglaway, o nagbago ang ugali ng aso, delikado 'yon. Pero huwag mo nang antaying mamatay ang aso bago ka magpabakuna. Magpabakuna agad.
Tandaan: Huwag manghinayang sa pera pang-bakuna. Buhay mo ang nakataya.

Advertisement